You are currently viewing “Birdshot” — Talinghaga  sa Nakalipas at Kasalukuyan ng Pilipinas

“Birdshot” — Talinghaga sa Nakalipas at Kasalukuyan ng Pilipinas

Salaysay: Edec Chao (Bagong imigrante mula sa Pilipinas)
Ulat: Asuka Lee

Ang (Birdshot) ay pelikulang gawain ng bagong direktor Mikhail Red ng Pilipinas. Subalit ang buong pelikula ay napupuno ng temang suspense thriller, madaming mga pangyayari sa historya ng Pilipinas at mga kalagayang pangkasalukuyan sa lipunan ang inilagay nang patago ng Direktor sa loob ng pelikula. Kapag ang manonood ng pelikulang ito ay katutubong Pinoy, tiyak na may madarama sa mga ipinapahiwatig rito.

Sa unang kalahati ng pelikula, may isang bus, punong- puno na sakay ng mga pasaherong magsasaka, biglang mawawala sa highway, malinaw na tumutukoy sa Maguindanao Massacre na nangyari noong panahon ng halalan sa Pilipinas sa 2009. May dalawang angkan sa Maguindanao, Mangudadatu at Ampatuan, na lumalaban para sa posisyon na Gobernador.  Nangunguna noon si Mangudadatu, ngunit nang dumating ang araw ng halalan at nakasakay sa bus ang mga miyembro ng pamilyang Mangudadatu upang bumoto, sila ay biglang pinagbabaril ng mga armadong militante sa may highway. 58 katao ang namatay.

Pagkaraan ng pangyayari, lahat ng mga palatandaan ay nagpapahiwatig na ang buong pangyayari ay krimeng plano ng pamilyang  Ampatuan ngunit matindi rin nitong ipinagkakaila. Kung kaya’t walong taon na ang nakalipas mula nang maganap ang pangyayaring ito, malayo pa rin ang paglantad ng katotohanan. Ito ay naging isang malaking kaso na walang kalutasan sa historya ng Pilipinas, at dito rin makikita ang madilim na panig ng politika sa Pilipinas.

Bukod rito, ang masamang asal at gawi ng mga pulis sa Pilipinas sa loob ng pelikula ay nag-iiwan ng malalim na impresyon. Sa tutoong buhay, may mga nababalitang pagsusuhol, extrajudicial executions, pangingikil na ginagawa ng mga miyembro sa pulisya sa lugar ng kapitolyong Metro Manila kaya’t ipinapalabas rin ang katiwalian at kabulukan ng mga opisyales na pulis sa marami pang ibang pelikula sa Pilipinas tulad nang “Metro Manila” at  “Ma’ Rosa“.

Ang pinakabago at napabalitang kaso ng katiwalian ng pulisya ay ang kasong “Tanim Bala” noong 2015. Habang ang mga inspector sa Manila International Airport ay gumagawa ng inspeksyon sa mga bagahe, sila ay maglalagay ng bala sa loob ng bagahe at ihahadlang ang pasahero sa kasong pagdadala ng mapanganib na bagay at mangingikil ng kuwarta sa tao.  Nang nailantad ang kasong ito, nagkaroon ng  pagsasaad ng opinyon at matinding pag-atake sa bansa. Nawalan ng tiwala ang publiko sa administrasyon at nagbigay ng pagkakataon kay Rodrigo Duterte na nagsasabing  “Labanan ang katiwalian” at nakakuha ng madaming boto sa pagiging Pangulo ng bansa sa sumunod na taon.

Isa pang kawili-wiling bagay sa pelikula ay ang batang babae na nagngangalang Maya at pumatay sa Haribon, ang agila na pambansang ibon ng Pilipinas. Ang Maya sa wikang Pilipino ay ngalan ng ibon at ang maya ay dating pambansang ibon (mula 1995, ang Haribon ang naging bagong pambansang ibon). Ang simula ng pelikula ay ang pagpatay ng lumang pambansang ibon sa bagong pambansang ibon. Maaring ito ang pagsasaayos ng Direktor at nagpapahiwatig na maraming mga hindi nababago at masamang gawi sa Pilipinas, na siyang pumipigil sa pag-asang tumaas at umasenso ang bansa sa darating na panahon.

發佈留言