【新聞稿刊登】Ang Kompetisyon ng Talento ng mga Bituing Migranteng Manggagawa ng Taoyuan City sa taong 2021

Ang taunang kompetisyon ng mga talento para sa mga migranteng manggagawa ay narito nang muli! Ikaw ba ay may talento ngunit hindi pa nakaranas umakyat sa entablado?

Sa mga nais sumali sa kompetisyong ito ay maaari nang magparehistro simula sa araw na ito hanggang sa 2021/7/12

Ang kompetisyon ay may dalawang kategorya: Grupo sa pagkanta at Grupo sa pagsayaw.

Makakatanggap ng gift certificate na umaabot sa halagang NT$ 21,000.

Mga kababayang Pilipino, ligal na migranteng manggagawa na nakatira at nagtatrabaho sa Taoyuan City, ay malugod na inaanyayahan na sumali at makilahok sa patimpalak .

Ang mga kalahok sa kompetisyon ay pipiliin sa pamamagitan ng screening mechanism (kabilang ang pag audition) mula sa preliminary round at semi-finals.

Ang mapipiling mahuhusay na kalahok ay maglalaban para sa championship sa huling araw ng kompetisyon

.

Kaya inaanyayahan ang lahat na manuod mula sa live broadcast ng official Facebook online. Suportahan natin at iboto ang mga paboritong performer.

Sa huling araw ng kompetisyon, magkakaroon ng pa-raffle at maraming papremyong ipamimigay.

Ang LABOR BUREAU, TAOYUAN CITY GOVERNMENT ay buong pusong kinalulugod ang inyong partisipasyon.

Contest time:

● preliminary round: 2021/7/25(Linggo)

● REMATCH: 2021/8/22 (Linggo)

● FINALS : 2021/9/12 (Linggo)

▇ Organizer: Taoyuan City Government, Labor Bureau

▇ Pagpapa-rehistro: Simula sa araw na ito hanggang sa July 12, 2021

▇ Paraan ng pagrehistro: LINE(ID:@333ctocx)

▇ Taoyuan Star Migrant Worker Talent Competition Staff hot line: 0975431110 (Monday to Friday 9:00-17:30, except national holidays)

▇ Taoyuan Star Migrant Worker Talent Competition

Fan page website: (https://reurl.cc/g8dQVQ)